Ako yung tipo ng tao na hindi mapapalabas ng bahay kung walang susundo, at itong travel na ito ang nagpatunay sakin ng ganda na mayroon ang ating bansa. Tara! Libutin natin ang ilan sa mga lugar, hindi lang basta lugar kundi sikat na mga lugar sa Ilocos.
Eto yung una naming pinuntahan, tinatawag nila itong Quirino or Banaoag Bridge. Sobrang ganda ng tanawin, makapigil hininga. Wala masyadong special sa tulay na ito pero kung mahilig kayong kumuha ng mga litrato, magugustuhan nyo ang lugar na ito. Hindi sayang sa oras ang pag hinto sa tulay na ito, dahil sariwa ang simoy ng hangin at makikita ang sobrang linis na tubig, kitang kita na naaalagaan talaga ang lugar na ito. 😁
PAOAY CHURCH
(Paoay church, Paoay Ilocos Norte)
(Paoay church, Paoay Ilocos Norte)
Ito naman ang tinatawag na Paoay church o kilala rin bilang St. Augustine Church. Sobrang ganda din ng tanawin sa simbahan na ito. Itinalaga ito bilang isang heritage site dahil sa ganda ng pagkakagawa ng simbahang ito, isa rin ito sa pinakamatibay na simbahan sa Ilocos. Sa bandang kaliwa ng simbahang ito may ay mayroong hardin at isang souvenir shop, magaganda din ang mga binebenta nilang mga souvenir doon, mga damit, mga souvenir na yari sa kahoy, at marami pang iba. Sulit talaga lahat pagod at gastos 😁
"IBA ANG GANDANG NATURAL"
Yan ang masasabi ko sa kapurpurawan rock formation. Kakaiba ang ganda ng kalikasan lalong lalo na kung ito ay natural, hindi mapapantayan ng kahit na anong gusali na gawa ng tao, ang gawa ng Panginoon. Katulad ng ibang mga napuntahan namin sariwa din ang hangin dito at talagang nakakawala ng pagod kahit mahirap puntahan dahil sa haba ng lalakarin, pag narating mo naman ang kugar na ito siguradi akong mapapasabi ka ng "WOW".😁
HISTORIC CITY OF VIGAN
(Vigan Heritage Village, Vigan City Ilocos sur)
(Vigan Heritage Village, Vigan City Ilocos sur)
Sikat na sikat ang lugar na ito at itinanghal ito bilang isa sa "7 WONDERS OF THE WORLD". It is known for its preserved Spanish colonial and Asian architecture. Kakaiba ang ganda ng lugar na ito lalo na kapag sumapit na ang gabi ang ganda tignan ng buong mga kalye dahil sa mga ilaw na nagliliwanag. Nakakatuwang isipin na mayroon paring mga lugar sa ating bansa ang patuloy na naaalagaan at patuloy parin nating maipagmamalaki. Hindi lang tanawin ang kayang ihandog satin ng Vigan kung hindi pati narin ang mga sikat nilang mga pagkain katulad nalang ng empanada, bagnet, syempre hindi mawawala ang pinagmamalaki ng mga Ilokano ang longganisa; nung natikman ko yun grabe kahit maliit lang malasang malasa siya. Dito na nagtatapos ang paglalakbay natin sa Ilocos. 😁
"Para sa akin hindi pa dito magtatapos ang pag-travel ko, ito palang ang umpisa ng pagtuklas ko sa ganda na mayroon ang ating bansa. Patuloy niyo akong samahan hanggang sa mga susunod ko pang adventure 😊 Salamat!"
" Sana kayo din ay makapunta sa Ilocos at kung kayo naman ay nakapunta na i-comment nyo naman kung ano ang masasabi nyo sa Ilocos at kung ano ang nagustuhan niyo rito ✌️"