Saturday, 26 August 2017

MALIGAYANG PAGDATING SA ILOCOS!!!


Ako yung tipo ng tao na hindi mapapalabas ng bahay kung walang susundo, at itong travel na ito ang nagpatunay sakin ng ganda na mayroon ang ating bansa. Tara! Libutin natin ang ilan sa mga lugar, hindi lang basta lugar kundi sikat na mga lugar sa Ilocos.

QUIRINO BRIDGE
(Banaoag/ Quirino Bridge, Santa Ilocos Sur)  

Eto yung una naming pinuntahan, tinatawag nila itong Quirino or Banaoag Bridge. Sobrang ganda ng tanawin, makapigil hininga. Wala masyadong special sa tulay na ito pero kung mahilig kayong  kumuha ng mga litrato, magugustuhan nyo ang lugar na ito. Hindi sayang sa oras ang pag hinto sa tulay na ito, dahil sariwa ang simoy ng hangin at makikita ang sobrang linis na tubig, kitang kita na naaalagaan talaga ang lugar na ito. 😁  

PAOAY CHURCH 
(Paoay church, Paoay Ilocos Norte)
 


Ito naman ang tinatawag na Paoay church o kilala rin bilang St. Augustine Church. Sobrang ganda din ng tanawin sa simbahan na ito. Itinalaga ito bilang isang heritage site dahil sa ganda ng pagkakagawa ng simbahang ito, isa rin ito sa pinakamatibay na simbahan sa Ilocos. Sa bandang kaliwa ng simbahang ito may ay mayroong hardin at isang souvenir shop, magaganda din ang mga binebenta nilang mga souvenir doon, mga damit, mga souvenir na yari sa kahoy, at marami pang iba. Sulit talaga lahat pagod at gastos  😁


KAPURPURAWAN ROCK FORMATION
(Kapurpurawan rock formation, Burgos Ilocos Norte)  

"IBA ANG GANDANG NATURAL"
Yan ang masasabi ko sa kapurpurawan rock formation. Kakaiba ang ganda ng kalikasan lalong lalo na kung ito ay natural, hindi mapapantayan ng kahit na anong gusali na gawa ng tao, ang gawa ng Panginoon. Katulad ng ibang mga napuntahan namin sariwa din ang hangin dito at talagang nakakawala ng pagod kahit mahirap puntahan dahil sa haba ng lalakarin, pag narating mo naman ang kugar na ito siguradi akong mapapasabi ka ng "WOW".😁 

HISTORIC CITY OF VIGAN
(Vigan Heritage Village, Vigan City Ilocos sur) 
 

Sikat na sikat ang lugar na ito at itinanghal ito bilang isa sa "7 WONDERS OF THE WORLD". It is known for its preserved Spanish colonial and Asian architecture. Kakaiba ang ganda ng lugar na ito lalo na kapag sumapit na ang gabi ang ganda tignan ng buong mga kalye dahil sa mga ilaw na nagliliwanag. Nakakatuwang isipin na mayroon paring mga lugar sa ating bansa ang patuloy na naaalagaan at patuloy parin nating maipagmamalaki. Hindi lang tanawin ang kayang ihandog satin ng Vigan kung hindi pati narin ang mga sikat nilang mga pagkain katulad nalang ng empanada, bagnet, syempre hindi mawawala ang pinagmamalaki ng mga Ilokano ang longganisa; nung natikman ko yun grabe kahit maliit lang malasang malasa siya. Dito na nagtatapos ang paglalakbay natin sa Ilocos. 😁

"Para sa akin hindi pa dito magtatapos ang pag-travel ko, ito palang ang umpisa ng pagtuklas ko sa ganda na mayroon ang ating bansa. Patuloy niyo akong samahan hanggang sa mga susunod ko pang  adventure 😊 Salamat!"

" Sana kayo din ay makapunta sa Ilocos at kung kayo naman ay nakapunta na i-comment nyo naman kung ano ang masasabi nyo sa Ilocos at kung ano ang nagustuhan niyo rito ✌️


91 comments:

  1. Napahusay mo gumawa ng blog at ayon sa mga nabasa ko lahat dito ay nakita ko ang gusto ko makita at mabasa. ang nais ko lang ipabatig sayo na ipag patuloy mo ang pag gawa ng blog dahil magaling ka dito yun lamang po

    ReplyDelete
  2. Huwowwhhh! Missing Vigan trip with Maharbaaaa��

    ReplyDelete
  3. "Ilocos lang ang babalikan ko" <3 <3 <3
    I really fell inlove in this place.
    Pag punta mo pa lang sa lugar na yan, you will already feel the atmosphere of the Philippine History.

    ReplyDelete
  4. Wow! Ang dami kong nalaman ng mabasa ko ang blog na ito. Parang nakapunta na rin ako sa Ilocos. Maganda rin ang pagkakagawa ng blog pati na rin ng website. Maganda ang bakground at nababasa ang mga nakasulat. Yung mga pictures grabe sobrang ganda. Kung ir-rate koto 5 stars. Galing

    ReplyDelete
  5. Upon reading this blog, it gets me more excited to visit Ilocos especially the historical City of Vigan 👍👍

    ReplyDelete
  6. Nice nice���� Yung shoefie talaga eh��

    ReplyDelete
  7. Verry well said. Punta na ko jn bukas, mag helicopter nalang ako.

    ReplyDelete
  8. Wow,nakakaexcite naman pumunta sa Ilocos :D

    ReplyDelete
  9. Gusto ko tuloy bumalik jan ����

    ReplyDelete
  10. Wow po kuya!, sana po diyan naman po mamasyal ang CGSC,
    NICE PO KUYA!

    ReplyDelete
  11. Ang galing naman gumaya ni kuya mc ng Blog powerful. Woaaaah, Ang ganda talaga sa Ilocos huhu. lalo na yung bridgeeee. Sarap balikaaaan😍

    ReplyDelete
  12. This blog is super interesting😍 The pictures, fonts and colors are perfect💕

    ReplyDelete
  13. Gusto ko tuloy pumunta diyan with friends sana.

    ReplyDelete
  14. Your blog is so interesting. Keep up the good work!

    ReplyDelete
  15. Interesting.. I should note this on my dream destination..

    #It'smorefuninthePhilippines

    -Jeremy Matias

    ReplyDelete
  16. Nice blog Mc ~ ���� God bless ~

    ReplyDelete
  17. Nice blog Mc ~ ���� God bless ~

    ReplyDelete
  18. Hindi talaga matutumbasan ang ganda ng Ilocos. Ipinapakita rin nito ang kultura na mayroon ang Pilipinas... Dinala mo ang aking mga mata sa ganda ng mga lugar na mayroon ang Ilocos Salamat!

    ReplyDelete
  19. wow ito ang isa sa mga gusto kong puntahan

    ReplyDelete
  20. Much information, Very beautiful -Javez Ferrer

    ReplyDelete
  21. Nakakamiss magpunta sa mga lugar sa Ilocos!

    ReplyDelete
  22. Nice shots. :) I suggest na medyo lakihan mo lang ng konti yung images and yung font para mas mabasa maigi ng reader. Looking forward to see more of this kind of blogs. And also na-highlight mo talaga yung important places sa Vigan. Great Job.

    ReplyDelete
  23. Napakaganda tlgang lugar ng ilocos tlgang mapapanganga at mamamangha sa ibat ibang tanawin na iyong makikita .sana balng araw makapunta ko dyan
    I love ilocos 😍

    ReplyDelete
  24. Waaa, what a great place! I would love to visit Ilocos soon 😍

    ReplyDelete
  25. dahil sa iyong napakahusay sa paggawa nito. Nais kong bumalik muli sa ilocos at damhin ang napakaganda lugar na pinagyayaman nila. Salamat sa iyo, kaibigan HAHAHA ✨

    ReplyDelete
  26. Nice content and review of the place. I'll surely come back there soon!!

    ReplyDelete
  27. Nice ang ganda punta ko dyan!!

    ReplyDelete
  28. Nice ang ganda punta ko dyan!!

    ReplyDelete
  29. WOW! Sana makapunta din kami dyan someday :)

    ReplyDelete
  30. Napakahusay ng iyong paglalahad tungkol sa mga tourists attraction sa Ilocos. Kay sarap balikan ng Retreat days. 😢😹 Anw, kitang-kita na you really love being there through this blog. Good job, Dedals! 😊 Godbless!

    ReplyDelete
  31. One of my dream places�� hope to go there too, SOON😂💕

    ReplyDelete
  32. Niceee! Tara at muling bumalik sa Ilocooos!

    ReplyDelete
  33. Huwaw naman. Ang galing naman po :)

    ReplyDelete
  34. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  35. obligatory comment from their adviser lol 😂🤣

    ReplyDelete
  36. Parang gusto ko tuloy ule pumunta�� Nice Job! ����

    ReplyDelete
  37. napaka ganda. madaming maganda puntahan

    ReplyDelete
  38. ang cute ng blog, the ilocos sur is the best tourist spot talaga <hahaha days to remember, dont you worry msasabi ko din yn , love it

    ReplyDelete
  39. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  40. Stunning beauty of ilocos❤💓

    ReplyDelete
  41. Wish to be back, miss it.😊💓

    ReplyDelete